Sumampa sa bagong record high na P13.856 trilyon ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa dagdag na P104.142 bilyon nitong Marso, batay sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr).
Makikita sa datos ng BTr na lumobo sa P13.856 trilyon ang utang ng bansa hanggang nitong Marso, na mas mataas kumpara sa P13.752 trilyon noong Pebrero, at P13.698 trilyon noong Enero.
Nagmula ang P9.513 trilyon sa domestic debt, kabilanga ang P156 milyong direct loans, at P9.513 trilyon mula sa debt securities.
Naiulat ng pamahalaan ang P4.343 trilyong external debts, base sa foreign exchange rate na P54.318:$1. Kabilang sa external obligations ang P1.947 trilyon mula sa loans, at P2.396 trilyon mula sa debt securities.
Batay sa parehong datos, makikita na mayroong P384.118 bilyong halaga ng guaranteed debt hanggang nitong Marso, saklaw ang P202.083 bilyong domestic, at P182.035 bilyong external.
Nito lamang nakaraang buwan ay inaasahan ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang government revenues sa P3.7 trilyon nagyong taon, at magkakaroon ng annual increase na P512.7 bilyon hanggang umabot ito sa P6.6 trilyon sa 2028 dahil sa karagdagang tax reforms.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE