Ang Philippine Army ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan at top-performing government agencies sa ikaapat na kwarter ng 2024, batay sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) na iniulat ng OCTA Research.
Natuklasan sa survey na mayorya (78%) ng adult Filipino ang nasisiyahan sa Philippine Army at sa mga nagawang accomplishment nito, habang dalawang porsiyento ang hindi nasisiyahan, na nagresuluta sa net satisfaction rating na +76.
Bukod dito, 77 porsiyento ng mga nasa hustong gulang na Pinoy ang nagsabi na nagtitiwala sila Army, habang 2% ang hindi nagtitiwala, na nagbigay ng net trust rating na +75.
“The survey results reported here are part of a broader study of the country’s security sector. The results presented here are commissioned by the Philippine Army and focus on the public perceptions of the Philippine Army,” ayon sa OCTA Research.
Sa mga pangunahing heograpikal na lugar, ang net satisfaction ng Philippine Army ay palaging mataas, na may pinakamataas na rating sa Visayas (+84).
Pangalawa ang Mindanao na may +82, sinundan ng National Capital Region na may +79, at Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Greater Metro Manila area) na may +72. Sa mga antas ng sosyo-ekonomiya, ang net satisfaction nito ay pinakamataas sa Class E (+80) ngunit pinakamababa sa Class ABC (+68).
Ang pangkalahatang satisfaction rating ay “halos hindi gumalaw” mula +78 noong Agosto 2024 hanggang +76 noong Nobyembre 2024.
Ayon sa antas ng sosyo-ekonomiya, isang makabuluhang pagbaba na 15 puntos ang naitala sa Class ABC, at isang bahagyang pagbaba na dalawang puntos sa Class D.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL