Hinablot ng Zamboanga City-Family’s Brand Sardines ang first leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup. Ito’y matapos gisahin ang Butuan City-Uling Roasters, 21-17 Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Umiskor si Joshua Munzon ng 4 points sa final seven points, dahilan upang makahabol ang Zamboanga City sa 17-14 final. Ibinulsa rin ng Zamboanga ang top purse na P100,000.
Kakampi ni Munzon sa team sina Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan. Dinomina nila preseason tournament sa loob ng bubble.
Kabilang sa tinalo ng team ay ang Zamboanga Peninsula-MLV, 21-14. Gayundin ang Saranggani, 22-19 sa Pool A.Nilunod din nila ang Porac-Big Boss Cement, 21-17 sa quarterfinals at Nueva Ecija, 21-19.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT