December 20, 2024

PFFI AT COPA BUBUO NG MALAKAS  NA SWIM TEAM PARA SA SEAG VIETNAM

Mula sa kaliwa: Chito Rivera, PFFI president Medina, Eric Buhain at Mary Ann Reyes.

SENELYUHAN ng Philippine Finswimming Federation, Inc. (PFFI) at  Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) nitong  Sabado ang matibay na tambalan  sa pagsisikap na makabuo ng isang kompetitibong koponan na isasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon.

Nilagdaan ni COPA president at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang joint partnership Memorandum of Agreement (MOA) kasama si PFFI president Ms. Maria Tatjana Claudeene Medina sa harap ng mahigit 400 batang manlalangoy, coach at magulang na lumahok sa 1st COPA-Samahang Manlalangoy sa Pilipinas Christmas Friendship Swimfest sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Center sa Malate, Manila.

Saksi rin sa MOA signing sina COPA officials Chito Rivera at Richard Luna gayundin ang PFFI national coach Mary Ann Reyes.

“Isa na naman itong milestone sa ating pagsisikap na mapagkaisa ang lahat ng pinuno hindi lamang sa swimming kundi sa aquatic sports community. Kailangan nating magtulungan at magdamayan sa isa’t isa para sa ikatatagumpay ng sports. We’re grateful sa opportunity na ibinigay sa COPA ng PFFI,” sabi ni Buhain, isang two-time swimming Olympian at may hawak ng 15 Southeast Asian Games gold medals.

Sa kanyang bahagi, nagpahayag din ng pasasalamat si Medina sa COPA at kay Cong. Buhain para sa pagbibigay ng pagkakataon para sa kanilang mga atleta na sumailalim sa mataas na antas ng pagsasanay.

“Masaya at excited kami. Kasama ni Cong. Buhain and the rest of COPA’s expertise may magandang resulta ito sa aming mga atleta,” sambit ni Medina.

Sa ilalim ng kasunduan, iginiit ni Rivera na tatawag ang COPA ng pambansang tryout, sanayin, pipili at magrerekomenda ng mga atleta na isasama sa eight-man (apat na lalaki at apat na babae) National Team sa Cambodia SEA Games sa Hulyo sa susunod na taon.

Ang huling pagkakataong nanalo ng medalya ang Philippine fin swimming team sa SEAG ay noong 2011 sa Palembang, Indonesia kung saan nakuha ni Danielle Faith Torres ang ginto sa 50-meter at ang 4x100m men’s relay nina Franz Baacom Leonard Sabellina, Matthew Rodriguez at Mike Godoy na nakakuha ng bronze.

Matapos ang MOA signing, ilang miyembro ng fin training pool ang naglalaro sa isang exhibition swim-off na ikinatuwa ng mga tao na kinabibilangan ng mga nangungunang COPA resident swimmers Nicola Queen Diamante at Paulene Beatrice Obebe.

Ang dalawang promising star ay muling tinanghal na Most Outstanding Swimmers (MOS) ng tournament sa kani-kanilang age group class kung saan ang 11-anyos na si Diamante ng RSS Dolphins at Grade 5 honor student ng Augustinian Abbey School sa Las Pinas ang nangibabaw sa 50-meter freestyle (31.66), 50m backstroke (34.43) at 50m butterfly (34.43).

Nadomina naman ni Obebe ng Aqua Sports Swim Club,  ang girls 12-yrs, old class 50m fly (31.18) 50m back (34.83) at 50-m free (29.33).

Sa iba pang resulta, nagwagi sina  Kean Sebastian Paragatos sa  boys 12-yrs. Class A 50m back (33.23), Lance Jacon (Class B, 38.55), Emmanuel Suasba (C, 44.28), Clyde Jose in boys 13-yrs. Class A ( 33.51), Jeff Galve (B, 35.71), at Avin Kotapati (C, 42.79).