BINUKSAN sa pangunguna ni Mayor John Rey ang Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk at NavoProdukto Corner sa Navotas City Hall Lobby. Ang PESO Helpdesk ay nagbibigay ng impormasyon sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho at mga aspiring entrepreneur sa mga serbisyong inaalok nito at sa mga programa ng NavotaAs Hanapbuhay Center tulad ng Tulong Trabaho, Tulong Puhunan, at iba pa. Tampok naman sa NavoProdukto Corner ang mga produktong gawa at ginawa sa Navotas tulad ng fish paste o bagoong, fish sauce o patis, dried anchovy chips, dried squid, at canned seafood. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA