Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang pamunuan ng PNP-Provincial Police office ng Bulacan? O baka Hindi nila alam na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa Bulacan ang iligal gambling sa loob ng peryahan.
Bueno paano kaya nakalusot ito sa pamahalaan lokal at sa kapulisan sa kanilang lugar?
Ang iligal na colorgame at droball sa loob ng peryahan sa ilan naglalakihan karnabal ay makikita sa Brgy. Publacion, Bustos, Bulacan. na pinamamahalaan ng isang alyas ” Angel”. Gayundin sa Brgy. Tambubon San Rafael na pinamamahalaan ng isang alyas Eddie, at sa Brgy. Maasim highway San Idefonso to na pag aari umano ng isang alyas “Ely”.
‘Yan mga iligal na colorgame at droball ay inirereklamo dahil mga karamihan Ang apektado Ang mga batang tumataya sa colorgame at droball.
Samantala sa lalawigan din ng Cavite, natapos na ang Pasko at Bagong Taon tuloy pa rin Ang iligal din colorgame at droball sa bayan ng Noveleta na ang peryahan ay pag-aari ng isang alyas “Noime”.
Malakas ang impluwensiya ng may-ari ng peryahan dahil natatapalan niya kuwarta ang ilan opisyal ng pamahalaang lokal at ilan tiwaling kapulisan sa nasabing lugar.
Tinawagan natin ng pansin si PNP-Chief Gen.Rodolfo Azurin at alam natin na nagpalabas ng kautusan ang PNP Chief ng ‘all out war’ laban sa iligal gambling tulad ng juetieng, illegal bookies, sakla, at lahat ng uri ng sugal.
Abangan po natin ang aksyun sa iligal na perya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA