
Inilabas na ng National Capital Region Police Office at ng DILG sa pangunguna ni NCRPO acting Regional Director P Brig Gen Jonnel Estomo at Secretary Benhur Abalos ang litrato ng isa sa mga person of interest na isa sa pumaslang o namaril sa batikang broadcaster nasi Percival Mabasa aka Percy Lapid.
Kasabay nito nananawagan si Abalos sa publiko sa mga nakakakilala sa suspect agad na ipagbigay alam ang anumang impormasyon at may pabuya na P1.5 Milyon.
Nagbabala si Abalos sa suspect na sumuko na dahil kakalat na ang litrato nito sa media at social media na maaring dahilan para maaresto siya ng otoridad.

Nananawagan din si Abalossa pamilya o kaibigan ng gunman na isuko na dahil maaring manganib narin ang buhay ng suspect mula sa mga tao sa likod ng pagkakapaslang Kay Mabasa.
Napuna ni Abalos na ang suspect at propessional hitman base sa kanyang pag oobserba sa mga galaw ng gunmen.
Sa naturang pulong balitaan ipinakita sa power point presentation kung paano nila nasundan sa pamamagitan ng CCTV ang mga galaw ng dalawang suspect na pumaslang Kay Lapid.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC