
Kasado na ang mga games sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Laoag, Ilocos Norte sa July 17. Maglalaban ang 11 teams sa nasabing first pro league conference ng liga.
Naka-bubble set up ang mga laro at walang spectators o audience. Ito ay dahil sa ipinatutupad na safety and health protocols.
Sa unang salang ng laro, magtatapat ang Banko Perlas Lady Spikers at Sta.Lucia Lady Realtors sa first game. Babandera para sa Perlas sina Nicole Tiamzon at Kath Bersola. Habang pambato naman ng Realtors sina MIka Reyes at Pam Lastimosa.
Susundan ito ng Petro Gazz Angels at F2 Logistics Cargo Movers sa second game. Ang mga nabanggit na match-ups at tentative pa lamang at di pa opisyal. Pero, ito ang lumabas na sked ayon sa mga sources.
Mapapanood ang mga laro ng PVL sa TV5, ONE Sports, PVL.com at Cignal.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT