May 13, 2024

PEDICAB DRIVER, KULONG SA 2 PIRASO NG DELATA NG LUNCHEON MEAT

KULONG ang isang lalaki na nahuling nagnakaw ng dalawang delata ng premium luncheon meat brand mula sa isang grocery store sa Paco, Manila.

Ayon sa Manila Police District, ang suspek na residente ng Baltagtas sa Bulacan, ay nahuli ng mga sekyu ng Super 8 Retail Systems Inc. matapos magnakaw ng dalawang delata ng Spam luncheon meat na nagkakahalaga ng P381.

Sinabi ng pulisya na ipina-medical check-up  bago dinala ng security guard sa Paco Police Community Precinct ang suspek na isang pedicab driver at pinaniniwalaang miyembro ng gang.

Narekober naman ang mga ninakaw na delata, ayon sa pulisya.

Mahaharap ang suspek sa kasong theft na isasampa sa Manila City’s Prosecutor Office.