May 19, 2024

PEDESTRIAN NA TUMAWID SA KALSADA, PATAY SA JOY RIDE DRIVER

NAPATAY ng isang Joy Ride rider ang isang pedestrian habang tumatawid sa isang kalsada sa Sampaloc, Manila kahapon.

Kinilala ang biktima na si Allan Mascado Jacalne, 42, ng No. 701 Galicia St., Sampaloc, Manila.

Sinubukan pang buhayin ng mga doktor sa ospital ang biktima pero nabigo sila dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isasampa laban kay Raymon Fernandez Sanson, 40, Joy Ride driver, ng Pamplona Tres, Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Benito Mateo ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section (VITS), lumalabas na dakong alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa northbound lane ng A.H Lacson Avenue corner Jhocson Street sa Sampaloc.

Patawid ang biktima nang masagasaan si Sanson na sakay ng isang Susuki Raider na may M.V File No. 040100000123652.

Kapwa bumagsak ang dalawa subalit mas matindi ang tinamong pinsala ni Jacalne.

Dinala ng Bureau of Fire ambulance ang biktima sa UST hospital.