May 5, 2024

PEACE COVENANT SA ANTIPOLO PARA SA BSKE 2023 ELECTIONS NILAGDAAN

NAKILAHOK ang Rizal Police Provincial Office, sa pangunguna ni PCol Rainerio De Chavez, OIC Rizal PPO, sa signing ng peace covenant at oath of integrity pledge kasama ang mga kandidato bilang paghahanda sa paparating na BSKE 2023 sa Oktubre 31, 2023.

Sinimulan ang aktibidad ng PNP na nilahukan ng iba’t ibang ahensiya tulad ng COMELEC, PPCRV, NAMFREL, AFP, BFP, BJMP, religious sectors, government officials at mga kinatawan mula sa komunidad na ginanap sa harap ng Sumulong Park, Barangay. San. Roque Antipolo City nitong Setyembre 29, 2023.

Naging bahagi rin ng programa ang pagsisindi ng kandila at pagpapakawala ng kalapati bilang tanda ng malinis na BSKE 2023.

Ang symbolic event ay pagtindig para sa pagkakaisa ng bawat Antipoleños, lalo na ng mga kandidato, na umaasa sa ligtas, mapayapa at patas na Barangay at Sanguniang Kabataan Eelction.