January 22, 2025

PDLs na magsasaka sa Penal Farms sa Palawan, dinagdagan ng BuCor

Tuluy-tuloy pa rin ang decongestion program ng Bureau of Corrections o BuCor upang mapaluwag ang mga piitan na pinangangasiwaan ng kawanihan.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapàng Jr, 500 persons deprived of liberty o PDLs mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang dinala sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan kagabi.

Ang mga inilipat na PDLs ay magpapalakas sa  agricultural workforce sa IPPF.

Sa nasabing bilang, 200 ay mula sa Reception and Diagnostic Center, 150 galing sa maximum security at 150 sa medium security.

Pinamunuan ni  CINSP Roberto Butawan ang 147 corrections officers kasama ang Muntinlupa Philippine National Police Highway Patrol Group at Skyway Patrol sa paghahatid sa 500 PDLs.