NAGBABALA sa publiko si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Calabarzon Regional Director Atty. Jaquelyn L. De Guzman, na mag ingat at maging mapanuri tungkol sa mga nagpapakilalang mga tauhan o ahente ng PDEA.
Matatandaan na limang suspek na magnanakaw ang mga nagpakilalang mga taga PDEA na may dalang arrest warrant ang sapilitang pumasok sa isang bahay sa Pacita 1 sa bayan ng San Pedro, Laguna nuon araw ng Miyerkules Novembe 6, 2024 at itinali ang mga kamay ng isang biktimang may ari ng bahay bago nilimas ang mga mahahalagang gamit at isang vault na may laman na di pa batid na halaga ng pera bago tumakas patungo sa direksyon ng Silang-Tagaytay Road sakay ng isang kulay marron na SUV na kasalukuyang inaalam pa ng mga otoridad ang pangalan ng may ari ng nasabing sasakyan.
Ayon pa kay PDEA Regional Director Atty.De Guzman, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Philippine National Police para sa isinasagawang imbestigasyon at posibleng sampahan din nila ang limang suspek ng Usurpation of Authority. (Erichh Abrenica)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA