November 18, 2024

PBBM SA MGA PINOY: MAGTIPID SA KURYENTE


NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na tulungan ang gobyerno para makatipid ng kuryente.

“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” ani ng Pangulo.

Kasunod ito nang pagdeklara ng National Grid Corporation of the Phils., ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas grids kahapon.

Inatasan ni Marcos ang Department of Energy (DOE) na tutukan at makipag-koordinasyon sa lahat ng stakeholders para matugunan ang sitwasyon.

“I have also directed all government offices to set the standard in conserving energy and minimizing power consumption,” dagdag pa niya.

Una nang ibinahagi ni Energy Sec. Raphael Lotilla na naapektuhan ng matinding init ng panahon ang 31 planta, kabilang na ang Pagbilao Unit kayat nawalan ng 382 megawatts ang Luzon grid.