December 26, 2024

PBBM PASOK SA ‘100 MOST INFLUENTIAL PEOPLE FOR 2024′ NG TIMES MAGAZINE

NAKAPASOK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang isa sa Time Magazine’s 100 Most Influential People for 2024.

Sa isang artikulo na inilathala noong Huwebes (Miyekules sa oras sa US), kinilala ng kilalang magazine ang pagtatangka ng Pangulo na ibangon ang pangalan ng kanyang diktador na ama at kapangalan na si Ferdinand Marcos Sr.

“Bongbong’s desire to rehabilitate the Marcos name has resulted in other shifts. He brought technocrats back into government, steadied the post-­pandemic economy, and elevated the Philippines on the world stage,” saad ni Time’s news correspondent Charlie Campbell.

Kinilala rin ng Times Magazine ang paninindigan ni Marcos laban sa pagiging agresibo ng China sa West Philippines Sea at ang kanyang tungkulin na palakasin ang relasyon ng Pilipinas sa United States sa kabila ng agawan ng teritoryo.

Gayunpaman, hindi nakaligtas ang Pangulo ang ginawang kasamaan  ng kanyang pamilya, nang mabanggit ni Campbell ang pandarambong sa kaban ng bayan at malawakang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng kanyang ama.

“For Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos to make history, he first needed to rewrite his nation’s. His dictator father plundered billions of dollars from state coffers and stood accused of grievous human-rights violations until his ouster in 1986,” isinulat ni Campbell.

“Bongbong’s rise to the Philippine presidency in 2022 was owed to whitewashing this family legacy through clever manipulation of social media,” dagdag pa niya.

Inilabas ang Time Magazine’s 100 Most Influencial People for 2024 ilang araw matapos sabihin ni Marcos na hindi niya trabaho na ihingi ng tawad ang kalupitan na nagawa ng kanyang ama noong panahon ng Martial Law.

Sa pagsunod sa yapak ng kanyang ama, nagawang makapasok ni Marcos sa listahan ng Times makaraan ang halos 68 taon matapos maging cover ang kanyang ama sa magazine. Isinulat ng Times Magazine ang istorya sa pre-martial law ni Pangulong Marcos Sr. noong 1966.

“As the sixth President of the Philippine Republic, Ferdinand Edralin Marcos, 49, has been in office only ten months, but in that time he has taken significant steps toward providing the Philippines with the dynamic, selfless leadership it needs to cope with the Southeast Asian burdens of poverty, lawlessness, Communist insurgency, and, most [importantly], the quest for national identity after centuries of colonial occupation,” mababasa sa artikulo ng Times Magazine para sa kanilang October 21, 1966 cover story.

Kabilang din sa ibang Filipino na nakasama sa Time Magazine’s 100 Most Infulential People ay sina dating pangulong Rodrigo Duterte, dating senator Leila De Lima noong 2017 at Maria Ressa noong 2019.

Ang yumaong si dating Pangulong Corazon Aquino, na naging sentro sa pagpapatalsik sa pamilya Marcos sa pamamagitan ng 1986 Edsa People Power Revolution at ina ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, ay pinarangalan bilang Time’s Woman of the Year noong 1987.