ISINASAAYOS ng tauhan ang mga libro sa isang bookstore na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City para ibenta per kilo sa halagang P80 hanggang P295, depende sa type o genre. Ayon sa pamunuan ng nasabing bookstore, misyon nila na gawing affordable at accessible ang mga libro sa mga Filipino at hikayatin sila na magbasa. (Kuha ni ART TORRES).


