April 28, 2024

PBB HOUSEMATE BRENDA PAGE, PINALALABAS NG ‘BAHAY NI KUYA” DAHIL SA ‘HAWAK-ARI’ ISYU

Di nagustuhan ng netizens ang ginawa ni Brenda Mage na kasama sa PBB housemates. Anila, dapat mapalabas sa ‘Bahay ni Kuya’ ito dahil sa ginawa nito sa isa pang housemate na si Eian Rances.


Foul kasi sa kanila ang harassment na ginawa ng comedian kay Eian. Kung saan, malaswa ang naging joke nito. Nangyari ito nang mag-usap sila tungkol sa ‘walwalan’.


Banat ni Brenda, ano ang gagawin nito kung sakaling mag-inuman sila. Tapos, paggising ni Eian ay hawak na ng isa ang ari ito dahil pareho na silang senglot.


‘Wag naman ganun!’ani Eian.


‘Tuloy o tigil?”hirit ni Brenda.


“Hawak mo na, anong tuloy o tigil? Wag kang ganun, kasi masama `yon, hindi lang sa akin, kahit kanino, wag mong gagawin,” banat ni Eian.


Kaya naman, hirit ng fans na patawan ng automatic eviction si Brenda dahil sa ginawa nito. Na hindi magandang impluwensiya.