Nagpahayag ang PBA, UAAP NCAA at ilang stakeholders ng kanilang buong suporta sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Ito’y kaugnay sa Fiba World Cup sa Aug. 25 hanggang Sept. 10, 2023.
Nangako rin ang mga naturang sports league na tutulong sa layunin ng samahan. Lalo na sa posibleng pagbuo ng team para sa Gilas Pilipinas. Katunayan, napag-uspaan na ito sa board meeting na pinangunahan ni SBP Pres. Al Panlilio. Gayundin ni Chairman at Senator Sonny Angara.
Iprinisenta rin ng SBP at team coach Chot Reyes ang plano kay PBA Komi Willie Marcial. Gayundin kina Atty. Raymond Zorilla, Alfrancis Chua, UAAP board member Mark Molina at Dax Castellano ng NCAA. Layun ng masterplan na mapaigi ang performance ng Gilas sa nalalabing Asia Cup qualifiers.
Higit sa lahat, ang ma-reclaim ang gold sa SEA Games at makabuo ng best team. Na ihaharap sa Fiba World Cup 2023. Magiging bahagi ng coaching staff si Ginebra coach Tim Cone, UP coach Goldwin Monteverde, Nenad Vucinic at Jong Uichico.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!