
Ikinasal na si PBA player Matthew Wright ng Phoenix Fuel Masters. Nakipag-isang dibdib siya sa kanyang partner na si Gabriela Moscoso sa New York, USA. Katunayan, nagpost siya ng larawan kaugnay sa wedding ceremony sa kanyang Instagram story.
Huling naglaro ang PBA cager sa Phoenix noong July 16. Subalit, lumipad patungong US upang sa kanyang kasal. Naging engaged ang dalawa noong October 27, 2021. Kung saan, sa Toronto, Canada pa nagproposed si Wright sa kanyang girlfriend.
Naganap ang proposal nun sa Lakeshore Boulevard sa West Toronto.
“I’ve always liked the word “fiancé”. It’s got a nice ring to it,”ani nito sa mga nakaraang post. May anak na lalaki si Wright kay Moscoso na ang pangalan ay Roman.
More Stories
MAMUYAC NANGAKONG BABAWI SA SUSUNOD NA LABAN MATAPOS ANG COSTLY FOUL GAME 2 NG ROS VS TNT
Baroquillo, Barnes namayagpag sa JPGT Del Monte
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup