Binigyan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng go-signal ang PBA na magsagawa ng training. Ito’y kahit na may ipinatutupad na GCQ at MGCQ sa pagdarausan ng training.
Natuwa naman ang pamunuan ng liga sa ahensiya. Dahil pinayagan ang request ng liga na magsagawa ng scrimmage.
Ang pagpayag ng IATF sa hiling ng PBA ay inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing.
Kung matatandaan, sumulat si PBA Commissioner Willie Marcial sa IATF. Na kung saan hiniling na payagang isagawa ng Season 46 ng liga. Ito’y sa kabila na mayroon pang banta ng virus.
Gayunman, sinasabi ng mga eksperto na unti-unti nang bumababa ang bilang ng infected.
“Happy tayo dahil pinayagan tayong magdaos ng scrimmage. Salamat sa pang-unawa ng IATF,” sabi ng isang source na sinabi ang pahayag ng kumisyoner.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2