
Ikakasa ng PBA ang dalawang conference sa taong 2023 at ilalatag ang 3-month break. Ito’y para palawigin ang Gilas Pilipinas training period. Sa gayun ay mapaghandaan na ng national team ang FIBA World Cup.
Aayusin ang liga ang schedule simula sa Mayo 2023. Malamang na ikakamada lang ang All-Filipino Cup at Governor’s Cup conference. Babalasahin din ang line-up ng team na ilalaban sa FIBA World Cup.
Inaasahang idaragdag ang ilang PBA standouts sa Gilas pool. Kabilang na si June Mar Fajardo at Japeth Aguilar. Gayundin si Japanese B. League import Dwight Ramos at NBA prospect Kai Sotto.Umaasa rin ang SBP na maikakamada si NBA guard Jordan Clarkson sa pool.
Sa pamamagitan nito, mapapalakas ang line-up ng national team. Lalo pa’t isa ang Pilipinas sa host country.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA