Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi pipilitin ng liga ang mga players na ayaw magpabakuna. Meron kasing ibang cager na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Gayunman, magiging disadvantage nila ito. Aniya, mas isasalang sila sda mas mahigpit na restrictions. Kaysa sa mga players na sumailalim sa vaccine.
“Madaming disadvantage ang walang vaccine,” sabi ng fourth-year league chief sa virtual press conference.
“Maraming restrictions ‘yun. Kung hindi ka naka-vaccine, hindi ka makakalabas, hindi ka makakatanggap ng bisita.”
Ang isa pang disadvantage ay tatapyasan ang sahod ng mga players na hindi nagpabakuna. Ito’y kapag tinamaan sila ng virus.
“Baka ‘pag nag positive ka pa, fourteen days quarantine ‘yun, so fourteen days baka mawalan ka ng suweldo,” aniya.
Kamakailan lang, isang bill ang ikinasa ng Kamara. Kung saan, isisnusulong ang mandatory ang COVID-19 vaccination sa bansa. Batid ni Komisyuner Marcial ang gayung development.
Gayunman, hindi pinupuwersa ng PBA ang mga players na ayaw sa vaccination.
“Okay lang kung ayaw nilang magpa-vaccine. Karapatan nila ‘yun,”aniya.
“Naiintindihan natin kung ayaw nila at hindi mandatory ng gobyerno, hindi natin pipilitin.”
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo