SMART CLARK GIGA CITY – Muling magbabalik-aksyon ang PBA games sa Martes. Ito’y matapos mailatag ang bagong set ng guidelines mula sa IATF. Sa gayun ay masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa bubble.
Pinayagan din ang mga practices ngayong araw. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang revised schedule ay ilalabas agad pagkatapos itigil ang four playdates.
Aniya, ginamit nila ang 4-day break upang makatugon sa requirement na inilatag ng IATF. Sa gayun ay matiyak na ligtas ang 350 delegates sa bubble.
“We would like to reiterate that the PBA bubble has not been breached.”
“ But we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble,” saad ni Marcial.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo