Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na malaki ang magigiging discount ng PBA. Ginarantiya kasi ng pamunuan ng Clark na gayun ang gagawin kapag idinaos ang bubble sa nasabing pook.
Nakahanap din ng sponsors ang PBA para sa gagawing bubble. Kaya naman, nagpasalamat si Marcial kay National Action Plan Againts COVID-19 Vince Dizon dahil sa ibinigay na oportunidad.
Si Dizon ay deputy chief implementer at President at CEO ng Bases and Conversion Development Authority.
Si Dizon kasi ang tumulong upang makakuha ng discount sa hotel accommodations ng PBA. Gayundin sa go signal upang maisagawa ang bubble game sa Angeles University Foundation gym.
Pinasalamat din ng PBA si Clark Development Corporation President Noel Manankil.
“Nagpapasalamat ako kay Secretary Dizon at sa presidente ng Clark, si Mr. Noel Manankil. Sila po ‘yung malaking tulong sa project na ‘to,” aniya.
Ayon naman kay PBA Chairman Ricky Vargas, nasa P65 milyon ang magagastos ng liga sa 45th season nito.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS