PATIBAYAN ng dibdib ang masasaksihan sa bakbakang Wang’s Basketball @27 Strikers – Letran kontra Marinerong Pilipino-San Beda sa game 2, best-of- three semifinals ng PBA D-League Aspirant’s Cup ngayon sa Fil Oil Arena sa San Juan City.
Ang Intramuros based-Knights ( Wang’s)ay taglay ang 1-0 bentahe matapos nilang daigin (come-from-behind-victory) ang tropang Mendiola na Lions (Marinerong Pinoy), 93-87 via overtime.
Sasandig ang Knights sa tatag ng dibdib nina Kurt Rayson na instrumental sa nakaraang panalo sa pagputok ng kanyang opensa sa extension period makakatuwang sina Kevin Santos, Vince Quajao at Kyle Tolentino na siyang tumikada ng game- tying three -point shot tungong overtime.
Matinding paghabol ang ratsada ng Wang’s Letran mula sa10-34 na abante ng Jacob Cortez- led San Beda at unti – unting tinapyasan ang kalamangan bilang patunay ng kanilang pagiging 3-time champion sa National Collegiate Athletic Association ( NCAA).
“Praise God. Optimistiko kaming ma-overcome ang mga balakid kontra malakas na kalabang San Beda.Alam ng mga players natin kung paano maglaro sa ganotong sitwasyon”,wika ni Letran coach Renzy Bajar.
Ang Letran Knights ay todo suportado ng Wang’s Basketball ni businessman/ sportsman Alex Wang.
Ang magwawagi sa labang Wang’s- Letran vs San Beda ay kakaharapin sa finals ang mananaig sa ribalang Dela Salle kontra Perpetual.
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC