April 27, 2024

MARCOS SA MGA PINOY: IGIIT ANG KALAYAAN ARAW-ARAW

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-aalay ng bulaklak sa Rizal Park kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nito.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Pangulo ang mga Pinoy na igiit ang kanilang kalayaan araw-araw.

Inaalala rin ni Marcos ang mga sakripisyo at pagmamahal ng mga bayani na naging instrumento upang makamit ang kasarinlan ng bansa.

Kasama rin ni Marcos sa nasabing wreath-laying ceremony ang kanyang asawang si Liza Araneta-Marcos at mga anak.