Tinuran ni PBA Commissioner Willie Marcial na malamang sa Abril 2021 ikakasa ang ika-46 season ng liga. Aniya, iyon ang pinaka-best month upang ilunsad ang PH Cup.
Sa mga panahon aniyang iyon, talagang handa na ang 12 teams.
“Malamang baka April na tayo,” ani Marcial.
Ipinaliwanag din league chief na ang buwan ng Abril ay ‘best window’. Ito ay dahil sa mayroong FIBA Asia Cup qualifying tournament sa Pebrero.
Involved aniya ang liga sa torneo. Sisimulan aniya ang PH Cup pagkatapos ng Holy Week.
“Meron tayong qualifiers, then kung late March naman tapos titigil ng April, mas maganda siguro na tuloy tuloy na lang tayo.”
“Saka mas mabibigyan natin ang teams ng oras to prepare,” aniya.
Pagkatapos ng kasalukuyang conference, idaraos naman ng liga ang PBA Rookie Draft sa Enero 2021.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo