Nabuking ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nasa likod ng nangyayaring anomalya tungkol sa ‘payroll padding’ ng mga members ng national team.
Napag-alaman ni Officer-In-Charge Commisioner Ramon Fernandez na talamak pala ang kalokohang nagaganap sa ahensiya; kung saan may mga grupong gumagamit ng pangalan at pinipeke ang lagda ng mga coach at atleta upang makakuha ng ayuda o allowances sa PSC.
Karaniwang nakatatanggap ng P60,000 ang mga top brass athletes at hindi naman bababa sa P20,000 ang natatangap ng iba kada buwan, kabilang din ang national training at developmental pool.
Dahil sa bogus na nangyayari, nakipag-ugnayan na si OIC Fernandez sa NBA upang imbestigahan ang anomaly.
“We have sought the help of the National Bureau of Investigation on the matter so we cannot comment further. Suffice it to say that there were red-flags which alerted us, and so we acted accordingly. We hope that we can get to the truth and bring the accountable to justice swiftly. The PSC will never waiver in its duty to protect the interest of its stakeholders and the Filipino people,” pahayag ng dating PBA four-time MVP na tinaguriang ‘El Presidente’.
Kaugnay dito, isang empelyado ng ahensiya ang nasa kustodiya ngayon ng NBI upang isailalim sa imbestigasyon. Sa gayun ay matukoy nito ang iba pang kasabwat sa naturang anomaly.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!