
UP to now walang updates kung hanggang ngayon ba ay sila pa rin magkasintahan ni Janine Gutiertez. Iwas pusoy kasi si Paulo Avelino, kapag natatanong kung sila pa rin ba ni Janine Gutierrez? At may drama pa ang actor na, magwowo-walk out kuno huwag lang matanong sa relasyon niya kay Janine.
“Siguro kaya ginagawa iyon ni Paulo, kasi gusto niyang maging private lang ang kanilang relasyon ni Janine. Pero hindi iyon makakatulong sa kanilang dalawa, magiging dahilan lang iyon na ayawan sila ng mga tao.
“Nasa showbiz ka, tapos iwas pusoy ka. Kung tutuusin ang dali namang sagutin ang mga tanong ng mga reporter, kung hindi de hindi ‘di ba?
“Kung sa kanya gimik iyong ginagawa niya, kakainisan lang siya ng mga reporter at mga taong sumusubaybay sa kanila.
“Kung masikreto talaga siya sa kanyang personal na lovelife, ituloy niyang itago at baka dumating iyong time na me-kapirasong tanong ay awayan na siya,” kwento pa ng aking source.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente