May 18, 2024

Dahil gustong magpasikat… GIMIK NINA JAMES REID AT ISSA PRESSMAN, KINAINISAN NG MADLANG PIPOL

HINDI nakatulong sa career nina Issa Pressman at James Reid ang gimik nilang break na sila, at nag-drama na nag-unfollow sila sa isa’t isa sa kanilang social media platform. Kinainisan lang silang dalawa, dahil hindi nagtagal ay naka-follow na sila sa isa’t isa.

“Wala na sila, kahit anong gimik pa ang gawin nila ay hindi na nila makukuha ang tiwala at simpatya ng madlang pipol. “Dumaan na sila kasi sa puntong tinanggap sila ng mga tao, pero sila rin naman ang sumira sa tiwalang ibinigay sa kanila.

“Ang patunay diyan, iyong kanilang gimik ay hindi kinagat at hindi nila nakuha ang tiwala ng mga tao. Sa halip marami ang nawalan pa ng gana sa kanilang ginawa at lumabas pa tuloy na niloloko lang nila ang mga tao,” mataray na pahayag ng aking source.