September 19, 2024

PAULINE LUNA SINABIHAN ANG BASHER NA PWEDE SIYANG MAKULONG SA PAMBUBULLY NITO SA ANAK NIYANG SI TALI

KUNG hindi tumigil sa pambubully itong si Patrich Walter Harris, sa anak ni Pauline Luna na si Talitha. Tutuluyan na talaga niya itong idemanda para makulong sa pambubully sa kanyang anak.

Hindi nagwalang bahala si Pauline sa bash ni Patrich, sa mismong Facebook page ni Talitha na sinabihan niya na ‘Pangit na bata.’ Posted on August 22, 2020. Pero sa halip na ipakita ang galit, manumalay na may kasamang prangkang sagot ang mga text ni niya kay Patrich.

Hindi rin nagustuhan ng mga netizen ang pangbubully na iyon ni Patrich, kaya kinampihan nila si Pauline Luna na ipakulong ang nasabing basher. Sa murang idad ni Talitha, walang kalabanlaban ang bata para laitin ito sa social media.

Dahil sa sagutan nina Patrich at Pauline sa Facebook, binalaan ni Pauline na kung hindi titigilan si Talitha ay ipakukulong niya ito. At sa bandang huli ay nalinawan naman itong si Patrich na mali ang kanyang ginawa at humingi naman ito nang tawad.

Narito ang apology letter ni Patrich. “Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni Ma’am Pauleen Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters fans ni Pauleen at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat. Ako ay nagsisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat at sana tanggapin niyo ang taos pusong paghingi ko ng sorry sa iyong lahat. pasensya na kayong lahat! Thank you so much.” Ayon pa sa kanyang pahayag.