Pumalaot si Paula Badosa ng Spain sa semis ng WTA Finals sa Guadalajara, Mexico. Pumalo ito ng 2 panalo sa Group Chichen Itza. Naging daan din ng pagsampa niya sa semis ang pagkapanalo ni Aryna Sabalenka kay Iga Swiatek.
Nagapi ni Badosa si Maria Sakkari ng Greece, 7-6 (4), 6-4 sa laban na tumagal ng 2 oras at 4 minuto. Naitala rin nito ang eight straight win sa torneo.
Bumira si Badisa ng 10 aces upang maungusan ang Greek opponent. Naconvert din nito ang 3 sa kanyang 12 break points. Na naging daan upang mangamote si Sakkari. Kung saan ay nagtala ito ng 49 unforced errors kumapara sa 22 ni Badosa.
“I suffered but I knew I was going to suffer against a player like Maria, she is an amazing fighter,” ani Badosa.
Ang parekta sa semis ng WTA finals ay magandang regalo sa kanya. Dahil magdiriwang siya ng kanyang 24th birthday bukas.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!