
NAABUTAN sa akto ang isang masahista na nagbibigay ng “extra service” sa kanyang parokyano nang salakayin ng mga awtoridad ang Relaxense Sircon Wellness Spa sa F.B. Harrison St., Brgy. 26 sa Pasay City.
Agad inaresto ang kahera ng spa na si Clarissa Egloso, 29 anyos, habang ang wala ang manager ng spa nang isagawa ang naturang raid na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.
Nasagip sa prostitusyon sina Anna Marrie Vesuela Manzano, 28; Christine Dela Pena, 22; Aldin Sineneng, 31; Mary Ann Coyoca, 21; at Jonathan Escalona, 29, pawang therapist.
Sa report pinasok ng mga operatiba kasama sina Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano at tauhan ng local government unit ang spa bandang alas-10:30 ng gabi.
Una rito, nakatanggap umano ang mga awtoridad na bukod sa masahe ay nag-aalok ng ‘extra services’ ang spa gaya ng serbisyong sekswal sa kanilang mga kostumer.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC