September 8, 2024

Paradigm Sports president, nagbabala sa mga nagpapanggap na mercenary ni Pacquiao

Nagbabala ang Paradigm Sports sa makikialam sa boxing carrer ni Sen. Manny Pacquiao. Ang Paradigm ay management firm ng eight-division world boxing champion.

Ayon kay PS president Audie Attar, wala sa hulog ang mga ‘shady characters’. Na ang mga ito ay nakikialam sa business dealing ni Pacman.

Ang matindi, wala silang basbas o pahintulot sa mga transakyon ng mga ito. Aniya, eksklusibong hawak nila ang career ni Pacquiao.

Babala niya, ang sinumang nagpapanggap na mersenaryo, maganer o kinatawan nito ay mahaharap sa asunto.

 “No one outside of Paradigm Sports is involved in any way with the management of Senator Pacquiao’s boxing career at this time,” giit ni Attar.

Anyone falsely representing themselves as Senator Pacquiao’s manager or representatives, as it relates to his remaining fight career, may face legal repercussions,” aniya.