December 25, 2024

Panukalang Batas na SIM card registration, makabubuti at napapanahon nga ba?

Itinutulak sa Kamara ang panukalang batas SIM card registration. Katuwiran nila, para masugpo ang criminal activities.

Ang patnugot nito ay si Senador Win Gatchalian. Aniya, napapanahon ang mandatory  registration ng lahat ng users ng pre-paid subscriber identity module o SIM.

Sa gayun ay ma-track at ma-clampdown ang mga fraudsters.Ayon pa sa senador, may ilang indibidwal ang nahulog sa panloloko ng mga fraudters.

Katunayanb, isa siya sa nabiktima kamakailan ng kalokohan ng mga fraudsters. Kung saan, nagawang i-charge ng mga perpetrators ang kanyang credit card account.

Ito ay nirekta sa online delivery. Nagkaroon ng access ang mga manloloko sa security feature sa web-based services. Ito ay ang One Time Password (OTP) gamit ang prepaid mobile phone.

Ayon kay kay Sen. Gatchalian, dapat ikonsidera ang pagre-regulate ng SIM card sales at distribution nto. Sa gayun ay makatulong masawata ang unlawful activities.

Noon pang June 2016 pinayl ng senador ang nasabing bill. Muli niya itong ginawa nong July 2019.

Ito ay ang Senate Bill NO. 176 o Proposed SIM Card Registration Act. Ang tanong, payag kaya sa ganito si Juan De la Cruz?

May ilan na tutol dito dahil masasangkalan ang right of privacy nila. Gayundin ang kalayaan sa pamamahayag.

Kung sa ikabubuti ng mamamayan, walang problema. Nawa’y himayin pa at pisiling mabuti ang panukaang batas.

At ipabatid ng husto sa mamamayan ang halaga nito. Sa gayun ay mawala ang kanilang agam-agam na ipa-rehitro ang kani-kanilang SIM.