March 1, 2025

PANGIL NG BATAS KONTRA ‘FAKE NEWS’ – ALYANSA

SAN JOSE DEL MONTE CITY — SASAKMALIN  ng isusulong na batas  ng mga senatorial bets ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang mga fake news peddlers.

Sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Pebrero 28, inilahad nina dating  Senate President Vicente “Tito” Sotto III, former Interior Secretary Benhur Abalos at former Senator Manny Pacquiao ang mga sariling karanasan sa fake news kaya kailangan anila ng mas mahigpit na regulasyon at accountability para sa mga gumagawa nito.

Dapat anilang ipagbawal ang mga fake news at parusahan ang mga gumagawa nito para malabanan ang paglaganap ng mga maling impormasyon at  mga online scams kasama na ang Anti-Cybercrime Law na kulang sa malinaw na probisyon.

“Madali nang ma-detect ang mga gumagawa ng fake news o mga digital activity gaya nito dahil sa SIM Registration Law” ayon pa sa kanila.

“Traceable na lahat ngayon, therefore, lagyan natin ng penalties ‘yung mga gumagawa nito. Isa, dalawa madala diyan, tignan mo ibang klase ang epekto” dagdag pa nila.

Isa si Abalos sa minsang nagamit ng mga manloloko ang  pagkakakilanlan sa mga online scams sa pamamagitan ng mga pekeng mobile load promos at mga election-related cash incentives.

Ikinuwento rin ni Pacquiao ang kanyang karanasan nang madalas na mapabalitang patay na raw siya. (DANNY BACOLOD)