Dahil sa pagsisikap at tiyaga ng kanilang coach na Math teacher, nakuha ng Umingan National High School ang kauna-unahang titulo sa men’s volleyball ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships noong Abril 29, sa Rizal Memorial Coliseum.
“It’s tough, too tough, we’ve gone through much challenges,” masayang sambit ni Coach Eusebio Solis, head ng Mathematics department, pagkatapos padapain ng kanyang team ang VNS-Savouge, 25-23, 23-25, 23-25, 25-17, 16-14, para maiuwi ang boys crown ng championships na inorganisa ng PNVF sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.
“But we proved something with this victory, that we, provincial teams, could stay in stride or even beat the strong teams from the big city,” dagdag pa ni Solis.
Humataw sa Umingan si Michael Angelo Fernandez na ginawaran bilang boys’ Most Valuable Player at First Best Open Hitter.
Nakatakdang sumabak ang koponan para sa Palarong Pambansa sa Cebu sa July. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA