May 18, 2024

Pangarap na natupad… NADINE LUSTRE, ANG BAGONG FEMALE ACTION STAR

SA streaming ng ‘Roadkiller’ ng Viva One, isa pala itong drama, action na ipalalabas sa March 1. Napasabak si Nadine, sa matitinding fighting scene at ang madalas niyang kabakbakan ay si Jerome Ponce.

“Pangarap ko talagang makagawa ng isang pelikulang action, at heto na nga iyon ang ‘Roadkiller’ na grabe ang mga ginawa kong fighting scene. “Mas gusto ko ngayon ang darker and grittier na projects, kasi challenge iyong ganuong mga role. Iyon bang tipong isang psychopath or isang killer,” masayang pahayag ni Nadine Lustre.