NAGBABALA si Las Piñas Rep. Camille Villars sa publiko na maging mapanuri sa mga taong gumagamit sa kanyang pangalan.
Ayon kay Villar, nakarating na rin sa kanya ang impormasyon na ginagamit ng ilang indibidwal ang kanyang pangalan sa layuning manloko at manlamang sa kapwa.
“It has come to my attention that several persons or entities have been unscrupulously using my name and pretending to be my representatives to defraud unwitting victims,” pahayag ng ranking House official.
“They are claiming that I am offering business opportunities or investments. Please be aware that these claims are false and are intended to scam the public,” wika ni Villar.
Panawagan ng lady solon, agad na ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad ang kahina-hinalang tawag o mensahe mula sa mga inaakalang impostor na kawani ng Kongreso.
Paliwanag ni Villar, anumang lehitimong business opportunities o announcements mula sa kanya o kanyang tanggapan ay makikitang naka-post sa kanyang official social media account.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan