Mariing itinanggi ni Salvador Panelo, dating chief legal councel ni ex-President Rodrigo Duterte na may nabuong “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating Pangulo at ni Chinese President Xi Jin Ping sa West Philippine Sea.
Ayon kay Panelo, mismong si Duterte ang nagsabi sa kanya na walang nangyaring kasunduan upang mapanatili ang “status quo” sa Ayungin shoal, kung saan matatagpuan ang lumang military vessel na nagsisilbi bilang Philippine outpost.
Ito’y kontra sa naging pahayag ni dating Palace spokesman Harry Roque.
“There’s no such animal,” ani Panelo sa isang forum. “Ang sabi ni President Duterte, ‘I did not enter into any gentleman’s agreement whatsoever.”
Nabanggit din ni Panelo na pinanindigan ni Duterte ang arbitral ruling kay Xi sa kanyang unang pagbisita sa China noong 2016.
“Nagulat kami sa reaction ng mama ng kabila. Sabi niya (Xi), ‘Do not force that because if you force it, there will be trouble.’ Shocked kami lahat biro mo trouble. Ang sabi naman ni President, ‘We do not want trouble.’ Sabi niya kung hindi tayo magkasundo, eh di let’s have peace,” saad ni Panelo.
Nang hingin ang komento sa water cannon incidents sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, may haka-haka si Panelo na ganoon ang naging reaksyon ng China dahil pinayagan ng Pilipinas ang US na maglagay ng mga base sa Pilipinas, na ang tinutukoy ang EDCA sites.
Iminungkahi ni Panelo na dapat tapatan ng Pilipinas ang China’s vessel sa West Philippine Sea para palagan ang ginagawang pag-atake nito.
Ang gawin natin kaya tayo nabu-bully, nawa-water cannon, e ang liliit ng mga boats natin. Kumuha kaya tayo ng kasing laki nila. Pag nag-water canon sila, water cannon din natin… Magpaligsahan tayo ng water cannon lang,” suhestiyon ni Panelo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA