SINANG-AYUNAN ni Senadora Cynthia Villar ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes na gamitin ang coconut levy fund para sa kapakanan ng mga coconut farmer at sa pagpapaunlad ng coconut industry sa bansa.
Mula 2016 ay isinusulong na ni Villar ang pagggamit ng coco levy fund. Ang coco levy ay tumutukoy sa buwis na ipinataw sa mga coconut farmer mula 1971 hanggang 1983. Ang nakolektang halaga ay tinatayang umabot sa P105 bilyon.
“Like the President, I believe that the the urgent utilization of the coconut levy fund will help uplift the lives of coconut farmers. It is long overdue, the monies of our coconut farmers, which they rightfully own, will also benefit the coconut industry, not only the 3.5 million coconut farmers,” sabi ni Villar.
Sa kanyang ikalimang SONA, hinikayat ng President ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang bersiyon ng panukala na magbubuo ng Coconut Farmers Trust Fund.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, inisponsoran ni Villar ang revised version nito noong Mayo 28, 2020 at nasimulan na rin ang plenary discussion hinggil dito.
“The bill was re-filed with some modifications, taking into consideration the inputs being suggested by the executive branch of government so it will not be vetoed again. We are confident that it will already be enacted into law, given the President’s support,” pahayag ni Villar.
Kung maaalala, ibinasura ni Pangulong Duterte ang inaprubahang bersiyon nito sa 17th Congress noong 2019, subalit sa kanyang SONA noong 20016, nangako ang Pangulo na magpapasa ng isang batas para sa paggamit ng coco levy fund.
Sa kanyang SONA noong Lunes, sinabi ni Duterte na ipapaubaya na niya sa Kongreso na ayusin kung anong magandaang paraan para magamit ang nasabing pondo.
Si Villar ang nag-isponsor ng Senate Bill No. 1396 sa ilalim ng Committee Report No. 65 o “An Act Creating the Coconut Farmers and Industry Trust Fund, Providing for Its Management and Utilization, Reconstituting for the Purpose the Philippine Coconut Authority Board, And for Other Purposes” na kapalit ng Senate Bill Nos. 31, 266, 1052, at 1127 kung saan siya ang author kasama ang mga kapwa senador na sina Francis “Kiko” Pangilinan, Ralph G. Recto, at Imee R. Marcos as authors.
Sa ilalim ng bagong panukala, ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund ay pamamahalaan at gagamitin alinsunod sa Coconut Farmers and Industry Development Plan na ipapatupad naman ng Philippine Coconut Authority (PCA), na aprubado ng Pangulo ng Pilipinas.
Ang Plan ang magtatakda sa kung paano ire-rehabilitate ang coconut industry sa susunod na 99 na taon, ang minumungkahing lifespan ng Trust Fund.
Kasama sa Plan ang programs/activities/actions na naglalayong dagdagan ang farm activity at kita ng coconut farmers; intensive effort sa intercropping at livestock-raising, kabilang ang dairy; pagtatatag ng coconut-based enterprises; rehabilitasyon at modernisasyon ng coconut industry; poverty alleviation at social equity at iba pa.
Kapag naisabatas ito, ang Bureau of Treasury ay maglaan ng P5 bilyon sa Trust Fund at panibagong P5 bilyon para naman sa PCA.
Dagdag pa ni Villar, ang Trust Fund ay hiwalay pa sa regular fund ng PCA mula sa General Appropriations Act (GAA) o ang national budget.
Ang PCA, bilang implementing agency na nakasaad sa panukalang batas, ay palalakasin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng presensiya ng mga government department secretary sa Board at karagdagang kinatawan ng mga magsasaka mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Para matiyak ang tamang paggamit ng pondo, nakasaad din sa panukala ang pagbuo ng Trust Fund Management Committee na binubuo ng kinatawan mula sa Department of Finance (DoF) bilang Fund Manager, Department of Budget and Management (DBM), at Department of Justice (DoJ).
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna