Patuloy na nananawagan ang pamilya ni basketball legend Robert ‘Sonny’ Jaworski ng panalangin. Sa gayun ay maka-recover na ito ng husto sa pneumonia complications.
Ayon sa pamilya ng binansagang ‘The Big J’, na-ospital si Jawo noong 2020 dahil sa pneumonia. Pero, natested negative sa COVID-19.
“Due to a non-life threatening blood abnormality that was discovered in 2016, the former senator has experienced difficulty in regaining his strength, weight, and normal well-being. Despite this, he is making good progress and is slowly moving forward,” ayon sa statement.
Inulan naman ng greetings ang pamilya, na nagsasabing pagaling si Jawo.
“Natuwa po at napaligaya po ninyo ang aming ama,” ayon pa sa statement. Si Jaworski ay nagdiwang ng ika-75 taong kaarawan nito noong March 8.
Kabilang rin siya sa 2021 class ng Philippine Sports Hall of Fame.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA