TULAD ng dati, isang propagandang taktika ng kalaban ng gobyerno ang kinagat at sinakyan ng mga kung warii’y matalino pero nagogoyo pa rin ng makademonyong istratehiya para humatak ng simpatiya sa masa.
Kultura kasi ng Pinoy ang paawa at dehado epek upang katigan o kampihan ang akala ay inaapi ng mga otoridad sa pamahalaan.
Dahil sa desperasyon at kapos na sa panahon, lahat na lang ng hakbang ay gagawin para ibagsak ang kinamumuhian at kinaiinggitang administrasyon. Lahat ng uri ng propaganda ay ikakasa na ng mga linsyak na di na makapag- hintay ng papalapit ng halalan pampanguluhan sa bayan ni Juan.
Tampok sa kanilang misyong suntok na sa buwan ay ang isisi sa Pangulo ang pandemyang naranasan ng daigdig ( baka naman daw kung sila ang titimon ay aalis na ang pesteng covid).Gusto nilang magalit ang publiko dahil palpak daw ang Pangulo pero sila lang ang naniwala sa kanilang kabalbalang minamaliit ang talino ng mga tao gamit pa ang kakampi nilang mainstream media na suportado pa ng mga oligarko,simbahan at biglang kakamping pulahan.
Heto pa ang pinambala nila, ang isyu ng WPS na naguudyok na giyerahin natin ang dambuhalang Tsina.
Ulot sila nang ulot eh sa isang putok lang ng kwitis ay tiyak na mauna pang tatalilis pa- US ang mga putraguese.
Nameyknyus pa sila ng people power at kudeta pero sila-sila lang ang bilib sa kanilang suyut na taktika.
Ngayon heto na naman sila.Bagong propaganda na akala nila ay patok na sa balana.
Gamit ang isyu ng ayuda, nagpakana sila ng isang kinopyang ‘ community pantry ‘ kuno upang mamahagi ng pagkain sa mga taong naapektuhan ng lockdown.
Maganda ang package dahil namimigay nga naman ng libreng ayuda na galing sa individual na pribado, ‘di galing sa gobyerno,na adbokasiya umano ang tumulong sa mga kapuspalad.
Op kors, dadagsain iyan ng mga taong mahihirap pati na iyong mga batugan at ayaw magbanat ng buto at maghihintay lang ng bigay para makaraos kahit sandali sa kanilang buhay.
Makaantig ng damdamin sa mga kakatig sa ideya paro nang mabisto ang intemsyon, panibagong banat pala ito sa administrasyon.
Op kors ‘di naman bano ang otoridad na hayaan ang chaos sa kalsada lalo ngayong panahon ng pandemya.
Ang siste, ang nagpasimula ng anila ay ‘community pantry’ ay isang pulahan na nagbigay kulay sa planadong noble kunong intensyon.
Sinakyan pa ang naturang taktika ng mga epalitikong dilawan at ng biased mainstream media na naman.
Kung tunay na ang hangad ay pagtulong, wala dapat itong lakip ng propgandang manira ng administrasyon, mag-recruit, mag-aklas at lumagda ang mga nabibigyan para sa kanilang misyong petisyong patalsikin ang gobyerno na malabo nang mangyari dahil ang tunay na paghuhukom ay nasa kabilang kanto na-ang eleksyon para sa panibagong administrasyon.
Ang bagong pakanang community pantry ay ‘pan-trick lang ng mga komunista’ bilang huling pusta sa kanilang makademonyong asta sa bansang hirap umasenso dahil sa pesteng pamumulitika.
MISMO!
Lowcut: Kaya nga labis ang galit sa mga TRAPO ng ating ka- Uppercut na si Ka Larry Andes. Panahon na para maglaho na sa ating sistema pulitikal ang mga tulad nilang linta sa lipunan.Free our Land Against Greed!Flag will rise in the horizon. SOON!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!