November 24, 2024

PAMUMUDMOD NG AYUDA SA PASAY TATAPUSIN BAGO ANG DEADLINE

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Pasay na matatapos ang kanilang pamamahagi ng tulong pinansyal bago matapos ang May 15 para sa mga benifeciary Batay sa itinakda ng national government sa mga LGUs.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto Rubiano tinatapos lamang nila ang listahan mula sa DSWD-NCR para sa mga benepisyaryo, upang ang mga waitlist mula sa dating pagbibigay ng tulong pinansyal sa SAP 1 at 2, ay isasama sa mabigyan ng ayuda.

Sinabi ng alkalde na 52 porsyento ng mga beneficiaries na katumbas ng 46,000 pamilya o 146,000 indibidwal mula sa 201 na mga baranggay sa lungsod ang nabigyan ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P146 milyon.

Dagdag pa nito nasa P348 milyon na budget ang inilaan para sa 460,000 na mga beneficiaries na target nilang mabigyan ng ayuda.

Binigyang diin ng alkalde na isinaalang-alang nila ang mga pangunahing pag-iingat at proteksyon at kaligtasan sa kalusugan ng mga mamayan at mahigpit na pagsunod sa mga health standard protocols.

Naglaan din ang lungsod ng tamang venue, oras at kung kailan maaring magtungo ang mga beneficiary sa lugar para kumuha ng ayuda mula sa national government. Nilinaw ng alkalde na hindi na kailangan magtungo sa venue ang mga senior citizen at PWDs dahil personal na iaabot sa kanila sa mga bahay ang ayuda ng mga kinatawan ng cswd, treasurer office at mga kawani ng Pasay City Hall.