Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police-Navotas ang pamilyang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 matapos mag-party sa kabila ng umiiral na community quarantine.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang 17 residente ng H. Monroy St., Brgy. Navotas West ang nakasuhan dahil sa pagdalo sa isang party noong May 14, 2020 at pagsuway sa mahigpit na pagbabawal sa pagtitipon-tipon sa panahong iyon.
Nakasaad sa inihaing reklamo na paglabag iyon ng Article 151 ng Revised Penal Code, Section 9 ng RA 11332, RA 9271 at Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.
“Sa pagsawalang-bahala ng pamilya sa ipinatutupad na safety regulations, nilagay nila sa panganib ang kanilang buhay pati na ang buhay ng lahat ng mga nakatira sa H. Monroy. Dahil sa kawalan nila ng pag-iingat, nabalewala ang ating pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at pagsisiguro na ligtas ang ating mamamayan,” ani Tiangco.
Isinailalim ng pamahalaang lungsod ang H. Monroy sa lockdown mula June 11, alas-5:01 ng umaga, hanggang June 24, alas-11:59 ng gabi, matapos magpositibo sa COVID-19 ang 14 sa mga residente nito.
Sa 14, anim ang dumalo sa birthday ng isang miyembro ng pamilyang nakumpirmang positibo sa COVID-19.
“Sana magsilbi itong maghigpit na babala sa mga sumusuway: Kahit hindi namin kayo naaktuhan, sasampahan namin kayo ng kaso pag napag-alaman sa imbestigasyon na lumabag kayo sa quarantine order,” dagdag ng alkalde.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA