Sasalang ang team ng Philippine Dance Sport Federation (PDSF) sa 31st SEA Games sa Vietnam. Ang nasabing team ay siya ring kinatawan ng bansa sa nakaraang 30th SEA Games.
Mismong ang pamunuan ng PDSF ang naghayag nito sa isang memorandum noong Sabado. Batay sa nakasaad sa memo, ilalahok ang duo nina Angelo Marquez at Stephanie Sabalo.
Gayundin sina Wilbert Aunzo at Pearl Caneda, Sean Aranar at Ana Nualla. Panghuli sina Mark Gayon at Mary Joy Renigen.
Susubukan ng mga pambato ng bansa na duplikahin ang naitalang impressive performances. Gaya ng ginawa nila noong nakalipas na biennal games.
“As PDSF is unable to hold competitions (dancesport being considered a contact sport) due to the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic.”
“The board of directors of PDSF has unanimously decided that the same athletes who represented the Philippines in the 30th SEA Games shall likewise be the official participants in the dancesport events,” ayon sa memorandum.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2