GOOD NEWS! Sa mga nag-apply para sa renewal ng kanilang driver’s licenses na na-expired mula Abril-Agosto 2023 ay maari na nilang kunin ang kanilang plastic cards licenses mula sa Land Transportation Office (LTO).
“Yung mga expiring ng April saka ‘yung mga nag-expire noong nakaraang taon April hanggang August, pwede nang i-renew ang kanilang lisensya at kunin yung plastic card,” ayon kay LTO chief Vigor Mendoza.
Ayon kay Mendoza, dapat ma-renew at kunin ng mga driver ang kanilang plastic license cards mula April 16 hanggang 30 sapagkat mahaharap sa parusa kung sila’y mabibigo.
Sinabi rin ni Mendoza na tanging mga motorista na expired ang lisensiya mula April hanggang Agosto 2023 ang maaring kumuha ng plastic cards dahil sapat lang ang available na supply para sa kanila.
Una nang sinabi ng LTO na noong Marso 2024, na umabot sa 4.1 milyon na driver’s license plastic cards ang kanilang backlog.
“Supply side kasi hindi naman isang bagsakan lang pinapadala sa atin ng ating supplier,“ ani Mendoza.
“In fact, ang na-supply sa atin is 1.6 million out of 3.2 million, so hindi nation, on the supply side, kaya i-cater lahat ng backlog na 4.1 million in one blow,” dagdag niya.
Isa pa aniyang dahilan ng para sa schedule release ay upang maiwasan ang pagsisiksilkan at pila sa site.
Dahil sa pagtanggal ng writ of preliminary injunction ng Court of Appeals, maaari nang magpatuloy ang LTO sa pag-iisyu ng lisensya para sa mga bagong aplikante at para sa mga magre-renew.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA