HANGAD umano ng Malacañang na mapipirmahan na ng chief executive upang maging batas ang panukalang P4.506-trillion 2021 national budget bago matapos ang taon.
Ito’y matapos magpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso at sertipikahang urgent ang General Appropriations Bill.
“Sana bago mag-recess ang Kongreso…or pagka-recess nila ay at least tapos na para bago mag bagong taon mapirmahan na ni Presidente,” saad ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa isang panayaam sa Dobol B sa News TV.
Noong Biyernes, nagpatawag si Duterte ng special session sa Kongreso upang siguraduhin na maipapasa sa tamang oras ang panukalang 2021 budget.
Nakatakda ang special session sa Oktubre 13 hanggang 16 para ipagpatuloy ang pagtalakay sa Kongreso ng panukalang 2021 national budget at upang maiwasan ang anumang karagdagang pagkaantala sa agarang pagpasa nito.
Ayon kay Sec. Roque, parang band-aid lang ang ginawa sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2 at ang kabuuan ng COVID-19 response ng gobyerno ay nakapaloob sa 2021 national budget.
Kasabay nito, umaasa si Sec. Roque na maisasantabi muna ang awayan sa liderato ng Kamara para tutukan muna ang pagpasa ng national budget.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR