January 19, 2025

PALASYO TODO SUPORTA SA FIBA WORLD CUP HOSTING NG BANSA

NAG-KORTESIYA sa Palasyo ang binuong Inter-Agency Task Force ng FIBA World Cup para masiguro  ang kahandaan ng pagiging punong-abala ng bansa.

Pinangungunahan ni Senior Deputy executive secretary Hubert Guevarra ang pulong sa Inter-Agency Task Force sa timon ng Philippine Sports Commission.

Kasamang dumating sa pulong sina PSC Chairman Richard Bachmann,Commissioners Bong Coo, Fritz Gaston,Walter Torres, Edward Hayco at mga Kinatawan ng iba’t-ibang government Sports Agencies.

Ayon kay Guevarra, tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr. ang buong suporta na ibibigay sa task force para maging matagumpay ang hosting ng prestihiyoso at dambuhalang kaganapan sa buong mundo.

Ang Pilipinas ang main host ng world cup of basketball katuwang ang Japan at Indonesia sa Agosto-Setyembre ng taong kasalukuyan.

Ang isang welcome development ay ka-grupo ng Pilipinas ang mga pinakasikat at malakas na koponang Team USA na bunubuo ng mga iniidolo sa mundong NBA players.