January 24, 2025

PALASYO: PILIPINAS HINDI MAGBABAGO ANG POSISYON SA ICC DRUG WAR PROVE

INIHAYAG ng Malacañang na hindi magbabago ang posisyon ng Pilipinas sa patuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa marahas na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa illegal na droga.

Ayon sa pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang briefing, hindi maaaring isnabin ang International Criminal Police Organization (Interpol) sakaling hilingin ng International Criminal Court (ICC) ang tulong nito para arestuhin o maghatid ng kustodiya sa mga taong hinahabol nila para panagutin.

“We have withdrawn from the ICC, membership from the ICC and that withdrawal is now already in effect,” ayon kay Bersamin.

“Pero, we have been very clear in our statements regarding this, if the ICC makes a move, and courses the move through the Interpol and the Interpol makes the request to us for the arrest or delivery of the custody of a person subject to ICC jurisdiction, we will respond, favorably or positively to the Interpol request, kasi nagbe-benefit din tayo sa Interpol in other cases,” aniya pa.

Ito ang naging pahayag ni Bersamin, kasunod ng pahayag ni Remulla na makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ng ugnayan ang Pilipinas sa ICC at hindi makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Hindi aniya nito alam kung ano ang ibig sabihin ni Secretary Remulla sa pahayag nitong makikipagtulungan sa ICC dahil malinaw ang posisyon ng Pangulo na tapos na ang ugnayan ng Pilipinas dito.

Ang malinaw aniya dito ay kapag ang Interpol ang nag-request o ipinadaan ng ICC sa interpol ang kanilang pakay sa bansa ay dapat na ito ay igalang.

“Iyong request ng interpol should always be respected, because the Interpol is also doing us service in other areas, similar to this. So that,s the meaning of committee,” dagdag ni Bersamin .